Welcome to OLOFCCO





ANG AMING MGA SERBISYO





ANG  SIMULA 

Agosto 1985 noon, magdadalawang taon na mula nang mapatay si Ninoy. Volatile pa ang political situation. Patuloy sa pagsadsad ang halaga ng piso. Patuloy rin ang mga protest movements. Lalong tumitindi ang mga ito. Ilang buwan pa nga ay ipinahayag na ni Marcos ang holding ng snap elections noong Pebrero 1986. And the rest is history.

Sa mga panahong ding iyon … sa National Shrine of Our Lady of Fatima, si Msgr. Iñiguez ay abala kasama ang kanyang mga layleaders sa pag-aasikaso sa ipinapagawang simbahan. Malapit na kasi itong matapos. May sampung mag-asawa na aktibo sa parokya na bahagi ng Parish Construction Committee ay abala sa lahat kung papaano makakalikom ng pondo para matapos na ang simbahan. Kasama sa grupo ang mag-asawang Capili, Mañalac, Pet Cezar, Martin Candido, Naty Torralba, Ex-Vice Mayor Arenas, Jose Donesa at mga ilan pang iba.

Read more


Ang 7 Prinsipyo ng Kooperatiba

Bukas at Kusang-loob na Pagsapi 

Ang mga Kooperatiba ay kusang-loob na mga samahan na bukas para sa laht ng tao na makakagamit ng mga palilingkod nito at nahahandang tumangap ng mga reponsibilidad ng kasapi na walang pagtatangi sa kasarian, panlipunan, panlahi, pampulitika o pangrelihiyon.

Demokratikong Pamamahala ng kasapi 

Ang mga Kooperatiba ay demokratibong organisasyon na kontrolado ng mga kasapi na masugid o masigasig na nakikilahok sa paggawa ng mga alintuntunin at pagbibigay ng mga desisyon. Mga kasaping babae man o lalaki ay maaaring ihalal na may pananagutan sa mga kasapi.Sa mga kooperatiba ang isang kasapi ay may isang boto.

Read more