Ang 7 Prinsipyo ng Kooperatiba
Bukas at Kusang-loob na Pagsapi
Ang mga Kooperatiba ay kusang-loob na mga samahan na bukas para sa lahat ng tao na makakagamit ng mga palilingkod nito at nahahandang tumangap ng mga reponsibilidad ng kasapi na walang pagtatangi sa kasarian, panlipunan, panlahi, pampulitika o pangrelihiyon.
Demokratikong Pamamahala ng kasapi
Ang mga Kooperatiba ay demokratibong organisasyon na kontrolado ng mga kasapi na masugid o masigasig na nakikilahok sa paggawa ng mga alintuntunin at pagbibigay ng mga desisyon. Mga kasaping babae man o lalaki ay maaaring ihalal na may pananagutan sa mga kasapi.Sa mga kooperatiba ang isang kasapi ay may isang boto.
Partisipansyong ng mga kasapi sa Pagpapalago ng Kooperatiba
Ang mga kasapi ay nagbibigay ng karampatang ‘Share Capital’ at demokratikong pinamamahalaan nito. Bilang mga kasapi ay kinakailangan nilang tangkilikin ang serbisyong inihahandog ng kooperatiba. Bilang pribelehiyo, ang saping capital ay binibigyan ng operasyon ng Kooperatiba. Ang ibang labis na kita matapos maglaan ng mga ponding pangkatatagan, pag-papaunlad at pang-Edukasyon ay ipinamamahagi sa mga kasapi ayon sa laki ng kanilang pagtatangkilik. Kinakailangan ding suportahan ng mga kasapi ang iba pang mga aktibidad ng kooperatiba na inaprubahan ng buong kasapian.
Kasarilan
Ang kooperatiba ay organisasyon na may kasarinlan, sariling-sikap at ito’y pinamamahalaan ng mga kasapi. Kung kinakailangang sila ay organisasyon (eto man ay government o non-government organization) o kaya’y mangalap ng ponding salapi sa labas ng kasapian, ay kinakailangan Gawain ng mademokratikong pamamahala ng mga kasapi ay mananatili at hindi maapektohan. Walang direkta o indirektang impluwensiya ang mga pribado o publikong organisasyon na hinihingian nila ng tulong.
Pag-aaral at Kaalaman
Ang kooperatiba ay may programa sa edukasyon at pagsasanay na mga opisyales, tagapamahala at mga kawani upang maayos na maunlad ang kooperatiba. Kinakailangang maipaalam sa madla, lalung-lalo na sa kabataan at mga liderato ng pagtutulungan.
Pagtutulungan ng mga Kooperatiba
Ang kooperatiba ay mas epektibong makakapaglingkod sa kayang mga kasapi at makakapagpaunlad at mas mapapalakas ang kilusang Kooperatiba sa Bansa kung makikipagtulungan at makikipag-ugnayan sa local, rehiyonal, nasyonal at internasyonal na mga kooperatiba.