ANG UNANG LOGO NG FATIMA CREDIT COOPERATIVE


Ang logo ng FATIMA CREDIT COOPERATIVE ay simbulo ng pag-kakaisa; pagkakaiang susi sa isang matatag na kooperatiba sa gabay ng Diyos at ng Makal na Ina.

KULAY – ASUL AT PUTI: asul para sa kapayapaan at puti na nagpapakita ng busilat at dalisay na uri ng paglilingkod.

 HUGIS – TATSULOK: pagpapakita ng katatagan sa lahat ng larangan di lamang sa pananalapi kundi sa hamon ng buhay. Pagpapahalaga sa tatlong sangkap ng sangkatauhan; Diyos, Kapwa at Sarili. Ang balangkas na magkapantay ay sagisag ng pantay na pagtingin sa lahat ng kasapian at di pagtatangi sa kulay, relihiyon, kasarian at antas ng buhay.

SA LOOB NG TATSULOK – Naroon ang lahat ng sangkap ng isang tunay na nagkakaisa at nagtutulungang kasapian.

PAYONG – Simbulo ng pagtulong sa lahat ng oras maging tag-ulan o tag-araw.

TITIK F.C.C.O – Nakalimbag ang inisyal ng FATIMA CREDIT COOPERATIVE.

IMAHE NG BIRHEN NA MAY ROSARYO – Ang tunay na kaugnayan ng ating kooperatiba sa ating Ina. Ang Rosaryo ay naglalaman ng buhay ng ating panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang muling pagkabuhay. Isang pagpapaalala na di lahat ay makakamtan natin ng walang pagpapasakit at pagtataguyod sa atin bilang kamay-ari.

MAGKAHAWAK NA KAMAY – Ito ang buong kasapian bilang tanda ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa.

Bilang paglalagom, ang FATIMA CREDIT COOPERATIVE ay kaagapay ng pamayanang umuunlad sa tulong ng Panginoong Diyos at ng Mahal ng Birheng Maria ng Fatima. Isang matatag na kooperatibang nakasandig sa pagkakaisa.

ANG BAGONG LOGO NG OUR LADY OF FATIMA CREDIT COOPERATIVE


ANG MGA SIMBOLO NG GINAMIT MULA SA LUMANG LOGO NG FCCO:

KULAY – ASUL AT PUTI: ito ang dalawang kulay na simbolo ng Mahal ng Birhen ng Fatima. Asul para sa kapayapaan at puti na nagpapakita ng busilak at dalisay na uri ng paglilingkod.

PAYONG – (nasa likuran ng Birhen ng Fatima) Ang payong ay isang gamit pang-araw man o tag-ulan kung kaya’t sa logong ito na ginamit ang sumisimbolo sa paglilingkod ng OLOFCCo sa lahat ng oras maging tag-ulan man o tag-araw.

TITIK O.L.O.F.C.C.O – Nakalimbag ang inisyal ng OUR LADY OF FATIMA CREDIT COOPERATIVE.

IMAHE NG BIRHEN AT ROSARYO – Ang tunay na kaugnayan ng ating kooperatiba sa ating Ina. Ang Rosaryo ni Maria ay naglalaman ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang muling pagkabuhay. Isang pagpapaalala na di lahat ay makakamtan natin alang-alang sa pagpapakasakit at pagtaguyod sa atin bilang kamay-ari.

MGA PAGBABAGO SA BAGONG LOGO

Ang triangulong (triangle) logo ng FATIMA CREDIT COOPERATIVE ay pinalitan ng hugis GULONG na sombolo ng industrialismo. Ang simbolo ng “Gulong” ay di lamang sa pananalapi sumasagisag kundi sa hamon ng buhay na tuloy tuloy sa pag-ikot ng mundo na nagunguhulugan ng katatagan na ang ibig sabihin kahit minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba patuloy ang pag-ikot ng mundo.

TATLONG ESTRELLA (STAR): (Nakapwesto ng Triangulo o Triangle)

Tatlong (3) bilang na nangangahulugan ng sangkap ng sangkatauhan; Diyos, Kapwa at Sarili.

Tatlong (3) bilang na kumakatawan din sa ; Ama, Anak at Espiritu Santo.

Traingulo – Ang balangkas na magkapantay ay sagisag ng pantay na pagtingin sa lahat ng kasapian at di pagtangi sa kulay, relihiyon, kasarain at antas ng buhay.

SA LOOB NG GULONG – Bukod sa naroon ang larawan ng Mahal na Birhen ng Fatima at Banal na Rosaryo, ang sagisag ng PAMBANSANG DAMBANA ng Mahal na Birhhen ng Fatima gayundin ang taon ng pagkakatatag (1985) ng OLOFCCo ay isinama rin.

TULDOK SA LOOB NG PAYONG – Sumasagisag sa dami ng bilang ng mga kamay-aring sumapi, nagtiwala, nagpatatag upang mula noong unang taon hanggang taong kasalukuyan upang manatiling nakatayo ang OLOFCCo.

Bilang paglalagon, ang OUR LADY OF FATIMA CREDIT COOPERATIVE ay kaagapay ng pamayanang umuunlad sa tulong ng Panginoong Diyos at ng Mahal na Birhen ng Fatima. Isang matatag na kooperatibang nakasandig sa pagkakaisa!!!