Our Lady of Fatima Credit Cooperative
Agosto 1985 noon, magdadalawang taon na mula nang mapatay si Ninoy. Volatile pa ang political situation. Patuloy sa pagsadsad ang halaga ng piso. Patuloy rin ang mga protest movements. Lalong tumitindi ang mga ito. Ilang buwan pa nga ay ipinahayag na ni Marcos ang holding ng snap elections noong Pebrero 1986. And the rest is history.
Sa mga panahong ding iyon … sa National Shrine of Our Lady of Fatima, si Msgr. Iñiguez ay abala kasama ang kanyang mga layleaders sa pag-aasikaso sa ipinapagawang simbahan. Malapit na kasi itong matapos. May sampung mag-asawa na aktibo sa parokya na bahagi ng Parish Construction Committee ay abala sa lahat kung papaano makakalikom ng pondo para matapos na ang simbahan. Kasama sa grupo ang mag-asawang Capili, Mañalac, Pet Cezar, Martin Candido, Naty Torralba, Ex-Vice Mayor Arenas, Jose Donesa at mga ilan pang iba.
“Di ko matandaan, pero ang naalala ko ay sa isang maliit na kwentuhan naming mga miyembro ng Parish Construction Committee, may nabanggit si Bishop Iniguez (na noo’y Monsignor pa) na ideya sa pagtatayo ng isang kooperatiba. Sa kanya nagsimula ang lahat. “(Felix Capili).
Si Bishop daw talaga ang prime mover, siya ang nagsimula at nag-udyok sa grupo. Bakit isang kooperatiba? Dahil kilala niya ang mga parokyano niya. Nararamdaman din niya ang kanilang mga suliranin. Madalas siyang pinupuntahan upang hingan ng tulong pinansyal. Pinansyal nga ang kanilang problema. Ang karamihan ay kumakagat sa 5-6. Dahil dito, ang ilan ay nababaon sa utang.
Iba talaga si Bishop. He’s a principled man. Matalino. Prangka. Sincere. Prime mover. Siya ang spirit behind our parish. Showcase ng buong Diosese ng Bulacan ang Fatima Parish. Dito nagsimula ang Parish Pastoral Council, Commission on Media at iba pa. Tayo ang First noon. Radio Veritas Mass, TV Mass, etc. Ito ay dahil kay Bishop at dahil din sa kanya kung bakit naitatag ang FATIMA CREDIT COOPERATIVE (FCCO). Tayo ang unang Parish-Based coop sa Valenzuela. At ng lumalaki na nga ang koop ay naggayahan ang ibang Parish, ginawa tayong parang modelo. Maganda ang vision ni Bishop para sa ating kooperatiba. (Dori Capili)
Isang matatag na kooperatibang tumutugon sa kapakanan at pangangailangang pantao: pangkabuhayan, pangkagipitan, at pangkaunlaran ng mga kasapi.
Ito ang kanyang gustong mangyari. Sa simula parang mahirap. Ngunit ilan sa amin ang naniwalang kayang mangyari ito. Ilan din sa amin ang kumontra. Babagsak lang daw. Ngunit sa kabila ng oposisyon at kritisismo, tinuloy namin ang magandang ideya. Sinimulan namin mag-research. Pumunta kami sa St. Martin of Tours Koop sa Bocaue, ang No.1 sa buong Asia that time, upang maintindihan kung paano pinapatakbo ang koop. (Felix Capili)
Inayos at inihanda naming lahat ang mga papeles at mga requirements para makapasa sa SEC at Bureau of Cooperative Development. Si Sis. Pet ang talagang lumakad ng mga ito dahil may accounting firm siya. Membership at capitalization ang aming binigyan pansin. Di kayo maniniwala pero ang simulang puhunan namin noon ay 5,000 piso lamang. 500 piso ang kontribusyon ng mga Director at ang iba naman ay nagbigay ng kanilang tig-iisang daang piso. Sabagay, malaking halaga na ang 5,000 noon. (Felix Capili)
Matagal na paghahanda. Maraming pag-aaral at konsultasyon. At ng pormal na ngang maitala sa BCD noong ika-22 ng Enero 1986, ay tuluy- tuloy na ang paglilingkod ng FCCO sa mga kasapi..
Ipinahiram sa amin ni Bishop ang isang maliit na kwarto sa unang palapag ng Clubhouse upang maging tanggapan. Sabi ni Bishop “pasensya muna, tutal simula lang naman ito”. Maliit lamang ang lugar. Ilan lamang ang mesa. May nag-iisang makinilya. Mainit sa loob kasi wala pang aircon. Di ko nga naisip na ganito na tayo magiging kalaki ngayon. Tuwing Sabado lamang bukas ang opisina. Tapos naging every other day, halfday pa nga. Maliit pa kasi ang kasapian. Maliit nga lang pero magkakakilala kami. Kilala namin ang isa’t-isa. Panay volunteers lahat. Si Martin Candido ang kauna-unahang Chairman of the Board. Sinundan siya ng nasirang Guillerma Mañalac. Sa kanilang pamumuno ay lalong napabilis ang pag-asenso ng koop. Si Bro. Pol ang aming ginawang manager. Si Lheg at Sonny ang mga unang empleyado. Sumunod si Bro. Piring. Walang sweldo. Volunteers nga kasi. Pa-meryenda lang. Kapag may Board meeting nga eh, lugaw na may tokwa’t-baboy lamang ang aming pinagsasaluhan. (Felix Capili)
Kumpara noon, talagang iba na nga ang koop natin ngayon. 93M piso na ang ating assets. Lagpas 2,000 mula sa orihinal na 34, ang ating kasapian.Dalawang palapag ang ating malaking gusali. Fully-airconditioned pa. Kulang-kulang sa 30 ang ating sahurang mga empleyado. Computerized at naka- network pa ang ating system. Di lang tokwa’t baboy ang meryenda ng Board ngayon.
Tunay ngang malaki na tayo ngunit lumaki ito dahil na rin sa ang naging simula natin ay ang pagtutulong–tulong at pagkakaisa ng ating mga founding members. Ito ang ating mga simulain. Kooperatibismo sa totoong kahulugan ng salita. At ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy tayong nagtatamasa ng mga biyaya mula sa ating koop. Marapat lamang na bigyan natin ng papugay ang ating mga founding members.
ANG MGA NAGSIMULA
Evelyn Abellar | Jose
Donesa | Elena Vicencio | Digna Dominguez | |
Armando Alonzo | Ligaya Jose | Helen Abellar | Sgr. Deogracias Iniguez | |
Virgilio Alonzo | Guillermina Mañalac | Lydia Alonzo | Cesar Mañalac | |
Trinidad Bondoc | Ursula Pabion | Isidoro Arenas | Alice Murillo | |
Adoracion Capili | Florida Panaligan | Martin Candido | Ermina Panaligan | |
Rogelio Capili | Valeriano Pingkian | Felixberto Capili | Susana Pilande | |
Perpetua Cezar | Teresa Santiago | Marcelina Capili | Clara Sandig | |
Lilia Domingo | Apolinar Tolentino | Milagros Daygo | Felipe Sineneng | |
Natividad Torralba | Norma Verdadero |
Isinulat ni Toti Leuterio mula sa ginawang panayam with Bro. Felix and Sis.